Andres Bonifacio Monument (c) Get in Travel, retrieved from http://www.getintravel.com/manila-philippines/andres-bonifacio-monument-located-at-rizal-park-in-manila-philippines/
Mahirap man tanggapin, maraming digmaan ang naganap, hindi lang sa kasaysayan ng Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Mga bayani, mga kalaban, mga inosente — milyon-milyong tao ang nag-alay ng buhay sa mga digmaan. Maswerte tayong namumuhay sa mapayapang panahon na alay sa atin ng lahat ng nakidigma para sa ating katahimikan at kalayaan. Dahil dito, nararapat lamang na may isang araw sa bawat taon kung kailan tayo makapagbibigay pugay at gunita sa kabayanihan ng ating mga ninuno na nag alay ng dugo, pawis at buhay para sa ating kinabukasan.
Kamakailan lamang ay ipinagdiwang natin ang Araw ng mga Bayani. Kapag sinabi nating bayani, and unang pumapasok sa isipan ng maraming Pilipino ay ang mga sikat at kilalang mga bayani — sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, at iba pa. Maganda ito dahil ipinapakita nito ang kaalaman natin bilang isang bayan sa kasaysayan. Gayunman, ang Araw ng mga Bayani ay walang tinutukoy na kahit sino; ang batas na nagsasaad ng selebrasyon ay walang tinutukoy na isang tao. Ayon sa batas,pinagdiriwang natin ang katapangan ng hindi isa, hindi dalawa, kundi lahat ng mga Pilipinong bayani na lumaban para sa pamilya, bayan, hustisya, at kalayaan.
The Shinsengumi (c) GuillaumeErard.com, retrieved from http://www.guillaumeerard.com/life-in-japan/history-of-japan/the-shinsengumi-patriots-or-assassins
Ang mga Hapon ay mayroon ding sariling paraan ng paggunita sa kanilang pumanaw na mga sundalo. Kasama rito ang mga mandirigma nila bago ang Meiji Restoration Era pati na ang mga sundalo nilang namatay sa ibang bansa noong ikalawang digmaang pandaigdig. Halimbawa, sila ay nagpatayo ng mga memoryal tulad ng Yasukuni Shrine at Chidorigafuchi National Cemetery para bigyang pugay ang mga matatapang nilang bayani na lumaban para sa kanilang bansa.
Magkaibang bansa ang Pilipinas at Japan na may kanya-kanyang mga bayani. Ngayong panahon ng kapayapaan, nararapat lamang na tayo ay maging malaya sa nakaraan. Ngunit, hindi natin dapat inililibing sa limot ang ating kasaysayan. Sa pakikipagusap at pakikisalamuha sa ating mga estudyanteng Hapon, marami kang pwedeng matutunan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa labas ng ating bansa.
Sabay-sabay nating pagtulungan ang pag usad ng ating bansa sa pamamagitan ng paglinang ng ating karunungan- dala ang mga aral ng ating kasaysayan.